FIRST ONE HUNDRED DAYS ACCOMPLISHMENT REPORT ( FODAR )
By Samal Vice-Mayor Manny Cortez
October 13, 2010
Sa mga minamahal kong kababayan,
Bilang Presiding Officer ng Sanguniang Bayan ng Samal, ang inyo pong lingkod ay masusing naglaan ng panahon upang matutukan ang pagaaral ng mga resolution (kapasiyahan) at ordinansa (kautusan) ng pamahalaan aking nasasakupan. Sa abot nang aking kakayanan at wastong kaisipan ay nagampanan ko ang tungkulin iniatas sa akin at naisa-katuparan ang ilang napakahalagang usapin sa ating pamayanan.Ang direksyon na aking sinimulan at nagkaroon ng accomplishment ay ang pagbibigay pansin sa general welfare ng aking mga kababayan. Una sa aking talaan ay ang Medical Services na umakma sa tawag ng panahon kung saan nakataya ang kalusugan ng karamihan sa ating mamamayan. Ang inyo pong lingkod ay personal na humingi ng tulong medical sa PHASAE at pinagkalooban po tayo ng mga gamot na consumable bilang paunang lunas sa mga pangkaraniwang karamdaman. Ang medical supply po ay available na sa tanggapan ng inyong lingkod.
Pangalawa sa aking ginampanan ay ang Feeding Program para sa Under Nourished Children ng Sapa Elementary School na kung saan ay ongoing ang aming ginagawang pagbabantay sa timbang at physical structures ng mga nasabing magaaral. Naging kaagapay din po kami ng Knights of Columbus sa pagkakaloob ng Reference Books sa mga magaaral ng Calaguiman Elementary School.
Naisakatuparan din ang konsepto ng ACT, ang Araro Capiz Tahong. Sa kasalukuyan ay nakapagpasa na ang Sangguniang Bayan ng mga Batas at Ordinansa hinggil sa Tahungan kasama na ang Coastal Zoning. Sa maraming kadahilanan, hindi po tayo magpapairal ng mga kautusang hindi dumaan sa tamang hakbang. Ang lahat ng aming ginawa ay nakasaad sa Internal Rules of Procedure na aming pinagtibay.
My dreams and vision will never stay in the dark..I will always stand to where new beginnings leadeth me with high hopes to the future. Makakaasa po kayo na ang inyong Vice-Mayor Manny Cortez kasama ang ating Sangguniang Bayan ay handang maglingkod at umalalay para sa inyong kapakanan.
Maraming Salamat po.