
Reynan: October 24, 2010
Minsan may isang Sibayan
Mahirap talagang itago ang pagkiling ng tao sa tao, sa madaming kadahilanan, pero minsan naman sana magpakita ng awtoridad at ipakitang kayang itago ang personal sa propesyonal na gawain. Ang aking ama ay kumakandidatong kapitan sa Brgy Cupang West Balanga City Bataan at si Melanio Sibayan and Election Officer. Sa unang rules, dapat ay 7 minuto lamang magsasalita ang kandidatong kapitan, subalit pagkatapos magsalita ng mga SK at mga Kagawad ay naging 10 minuto na daw. Ang aking ama ay 7 minuto pa rin nagsalita subalit ang incumbent ay pinayagan nilang magsalita na kahit sumisigaw na sa stage ng mahigit 15 minuto. kung hindi pa ako tumayo nuong may 12 minuto na ay wala man lamang silang effort na gagawin, sa tutuo lang ay pinayagan na rin nilang matapos. Ikaw Sibayan ang pinakamataas sa lugar na yun bilang Election Officer, pero halata ang iyong pagpanig, hinayaan na nga namin ang iyong kasamahan na mamuri ng kandidato na katungali ng aking ama subalit ang obvious na pagkiling ay ibang iba. Anung klaseng rules ang binubuo niyo kung natatakot kayo sa mga nakaupo o sadyang magkakampi na talaga kayo? Eto ba ang malinis at patas at walang pinapanigan o non-partisan election? Ewan ko sa iyo pero minsan nakilala kita. At ang pagkakakilala ko sa yo ay walang kakayahang panindigan ang iyong sariling posisyon.
REYNAN: Oct 14, 2010
Matuwid na daan? anu ba ang matuwid na daan? mas mainam nang tumawid sa masalimuot at baku bakong daan kung ang dulo nito ay kaginhawahan kesa sa matuwid na daan na ang dulo ay kamatayan.Tulad ngayon, samantalang binawasan ang budget sa edukasyon at agrikultura ay tinaasan naman ang pondo ng militar at departamento ng social works and development.
Anu ang mali, kung pagkain at produksiyon ang papaunlarin kung saan nasa sektor na ito ang pinakamaraming mahihirap, nasolusyunan ang dalawang bagay, ang seguridad sa pagkain dahil hindi na tayo magugutom at hindi na tayo mag-aangkat, makakagawa pa tayo ng mga trabahao mula sa produksiyon, pagtatawid ng mga produkto at produktong ipo proseso. sa ganitong paraan din ay nagawa natin na makapagpaunlad ng mahihirap.
Ang sinasabi nilang edukasyon ang solusyon ay bakit binawasan nila ng pondo lalo na ang state colleges and universities dahil kaya naman daw nilang gumasta sa kikitain batay sa mga income generating projects kasama na ang tuition fees. Bakit pa tinawag na state universities and colleges kung ang panggagalingan din naman pala ng gastos ng operasyon nito ay ang unibersidad at hindi ang estado? alam naman nating ang gobyerno ay hindi efficient and effective na lumahok sa pagnenegosyo dahil kung sila man ay pumalpak hindi rin naman sila maaring patalsikin kaagad tulad ng sa pribadong sektor sapagkat sila ay gino govern ng civil service, natural pwede lang silang ilipat ng position sa kanilang pagkakamali sa pagnenegosyo. Pero ito ay pilit pa rin ginagawa at napipilitin ang mga SUCs na gawin sapagkat kulang na sila ay tinapyasan pa.
Bakit sa DSWD kung saan bilyon bilyon ang idinagdag bilang ayuda sa mga mahihirap. Hindi mo sila tinuturuang maghanapbuhay, rumispeto sa kanilang mga sarili at mabuhay ng marangal kundi tinuturuan silang manatiling mahirap at umaasa sa ayuda mula sa gobyerno. It ay kapalit ng pagpapanatili nilang mahirap para saan? para sa boto o para sa kunya kunyariang programa para sa mas malawak na katiwalian. Kung sakaling malinis man ang hangarin at malinaw ang program at guidelines, ginawa pa rin natin dependent ang mga mahihirap, hindi ito pangmatagalang solusyon.
Militar? bakit may digmaan ba o ang nagbigay ng pondo ang gumagawa ng digmaan?
Follow me on my twitter: wwww.twitter.com/reynancalderon
REYNAN: Oct 14, 2010
Have you seen a solution to a problem that resulted to another problem? If you happen to pass at capitol drive where accidents happened early morning today which resulted to traffic congestion and re-routing coupled with natural slow flow of traffic because of being a market day, you will know how. Re-routing to a very rough road areas near the market of the City is one of their solutions... instead of serbisyo naging perhuwisyo..a reactive answer to the problem, which simply shows a non-preparedness on the part of our administration. Anu pa aasahan natin sa mga kalamidad eh aksidente lang na naganap ng madaling araw inaabot ng siyam siyam.
follow me on my twitter: wwww.twitter.com/reynancalderon